From the left : Lee Anne Rana, Masashi Koizumi, Caroline Nofies and Carmela Santos. |
Ang sarap magbalik tanaw sa nakaraan. Yung tipong namimiss mo sila at mapapa isip ka na lang kung nasan na sila. Dapat apat na babae kami diyan Kaya lang yung isang bestfriend namin eh late na dumating at dahil sa kami ay napaaaga, ayun nagkaroon pa ng picture taking. Well apat kaming babae na magbe-bestfriend. Sa loob ng isang taon ay nagsama-sama kaming apat bilang magkakaibigan na tunay. Sa kalokohan, kulitan, asaran, lungkot, iyakan, pagkasawi sa pagibig ay magkakasama kami. Pero hindi kami naging close sa unang araw ng pasukan. May sari-sarili kaming landas bago kami naging magkakaibigan. Ako, may mga naging close ako nung pasukan. Pero sa ugali ko madalas akong tahimik at magisa lang. Walang katabi. Kung meron man tahimik lang talaga ako. Hindi ako madaldal na tao. Kaya hindi na ako magugulat kung makakatanggap ako ng Most Behave sa klase..haha. Hanggang sa nakilala ko si Lee Anne. May hiniram ako sa kanya that time. Tapos tinanong ko siya if anong pangalan niya at bakit ang tahimik niya. Hanggang sa ayun lumipat ako sa upuan niya para makipag kwentuhan. Lumipas ang araw na naging mag close kami dahil nga sa mahiyain siyang tao, at tahimik, in short pareho kami ng ugali madali kaming nagkasundo. Si Jessica at Carmela naman ay magkakilala na talaga. Naging close namin silang dalawa. Pero kakaiba sila kasi sila yung tipo ng tao na super as in super daldal.
Nauso nuon sa classroom ang may sitting arrangement. Kung hindi alphabetically minsan by groupings or alternate. Pero habang katagalan nawawala na rin ang bisa ng sitting arrangement. Kaya kanya kanyahan na ng upo. At duon rin kami nagkaroon ng pagkakataon na magtabi-tabing apat. At oo, natutuo akong dumaldal pati na rin si Lee Anne. Pero masaya. Super saya pag may mga kaibigan kang tulad nila. Parang ang sarap pumasok araw araw kasi nandyan sila na nagpapangiti sayo. Yung tipong after class mag m-movie marathon kami kina Carmela. Tapos minsan gagala kami sa mall or sa Quezon City Circle. Pero after ng graduation doon na rin ako nakaramdam ng lungkot na paano na kami? College na kami at siguradong hindi na kami magkakasama. Si Carmle at Lee Anne ay sa probinsya nila nagaaral, ako naman ay dito pa rin sa maynila. Si Jessica naman ay wala na kaming balita.
Sobrang namimiss ko na sila. Sana magkaroon pa ulit ng pagkakataon na magkasamasama kaming apat. :))
Bago ko makaligtaan syempre makakalimutan ko ba si Masashi ? Siya yung classmate namin na half-japanese na sobra as in sobrang galing mag-drawing at mag henna tatoo :)) Naging close friend din namin siya :)) Sana maulit ulit ang masasayang sandali na aming nabuo :)
No comments:
Post a Comment