1. Ikaw ba ay may pagka possesive ?
*Yung tipong gusto mo nasayo lang ang kanyang atensyon.
* Tamang hinala.
* Gusto mo laging nagte-text sayo o tumatawag.
Utang na loob! Kailangan bang maging possesive na karelasyon? Why not trust him di ba ? Maaari rin yang ikasira ng relasyon nyong dalawa. Ikaw na nga ang tamang hinala nasira mo pa ang pinagsamahan niyo.
2. Demanding ka ba ?
* Dapat ganito... ganyan.
* Ayaw ko ng ganito... ganyan.
Mga kapatid , hindi lahat ng gusto mo eh gusto din nya.
3. Expecting over over ka.
* "Mahal ko sya kaya binubuhos ko sa kanya lahat ng oras ko sana naman ganon din sya saken. "
* "Reregaluhan ko sya sana may regalo din sya saken."
* "Binati ko sya ng good morning sana batiin din nya ako."
* "Lahat naman ginagawa ko para sa kanya sana ganon din gawin nya saken."
4. One Sided Love.
* Nagmamahal lang sa isang tabi umaasa na in due time maramdaman din nya yun feelings na nararamdaman mo para sa kanya.
Alam nyo lahat ng sobra ay hindi maganda. Pag minahal mo ng sobra masasakal yan. Ang isang bagay na buhay pag sinakal mo manghihina, gustong makawala sa pagkakasakal. AT ilan yan sa pagkakamaling nagagawa natin in the name of love. Being POSSESIVE, DEMANDING AND EXPECTING MUCH.
Ika nga..“If you love something, set it free. If it comes back, it’s yours. If it doesn’t, it never was.”
Ang pagmamahal ng totoo ay yun binibigyan natin ang bawat isa ng pagkakataon na maging SILA kung ano sila hindi kung ano yun gusto maging sila.
Pwede mo iparamdam ang pagmamahal mo sa pamamagitan ng unahin mo yun kapakanan nila , kung ano ang nakakabuti sa kanya at tulungan sila sa abot ng iyong makakaya, kung ano ang alam mong makakapagpasaya sa kanya. Magmahal ka ng walang hinihintay na kapalit tawag dyan selfless love. Masarap sa pakiramdam yun.
Ang pagiging hindi makasarili ay pagtrato sa tao ng maayos na may pag galang sa kung ano man ang gusto nya.
No comments:
Post a Comment