Pages

Wednesday, 18 April 2012

Bantay Kinabukasan.

Ano nga ba ang mga problema na dapat kaharapin ng ating pangulo ?


Kawalan ng Trabaho at Pag-asa.
  - napakahirap kumita ng pera kapag wala knag trabaho. Pero paano ka nga ba makakakuha ng trabaho kung walang available na trabaho ? Sa totoo lang hindi naman nauubos ang trabaho. Marami pa rin ang bakante, kaya lang hindi ito suitable sa kakayahan natin. Kaya yung iba nawawalan na ng pag-asa. Mga kapatid, marami pang paraan para kumita ng pera. Tiyaga lang po ang kailangan.


Malnutrisyon at Kagutoman.
  - isa kadahilanan kung bakit marmaing nagkakasakit lalo na ang mga bata. Kakulangan sa suplay ng pagkain. O di kaya'y dahil sa walang sapat na pera pangtustos dito. Kaya hindi na naiisip kung anong ipapakain nila, kung masustansya ba o hindi ang kanilang kakainin. Ang mahalaga sa kanila eh maitawid nila ang kagutuman.



Kawalan ng sariling Lupa at Tahanan.
  - walang kakayahan upang bumili ng lupa. Ang masama pa kaya nadadagdagan ng squatter sa maynila ay dahil sa mga tao na lumuluwas galing probinsya. Kaya ang iba nagtatayo na lang ng barong barong sa tabi tabi dahil hindi na sila makabalik sa probinsya nila dahil sa kawalan ng pamasahe. Kung tutuusin mas maganda ang buhay sa probinsya sa aking opinyon.



Mababang uri ng Edukasyon.
  - kakulangan ng gamit sa eskwelahan tulad ng libro. At ang kakulangan ng guro. Para sa akin para mas matuto ng isang estudyante kailangan ng maayos na lugar yung tipong magiging kumportable ang estudyante habang nagaaral at nakakapag-focus siya sa mga leksyon.





Walang pambayad sa Gamot, Doktor at Ospital.
  - para sa akin ang mahirap dito ay ang nagtataasang presyo ng gamot. Pati ang pasilidad sa mga ospital. Kahit may discount na ang isang gamot eh mataas pa din ang presyo. Kaya minsan wala ng kakayahan ang tao na bumili ng gamot. Ang iba naman ay napapaniwala agad ng mga "Dr. Quack Quack dahil sa mura lang mapapagaling ka pa. Ang mahirap hindi ka nakakasigurado dito.



Maruming tubig at mabilis na pagkalat ng Sakit.
 - maruming tubig na nakakapagdulot ng sakit. Minsan kumukuha na lang sila ng tubig sa ilog o dika'y sa mga balon na madumi din naman. Wala silang sapat na pinagkukunan ng malinis na tubig. Kaya no choice sila.




Pinsala ng mga bagyo at tagtuyot,  dahil sa paninira ng kapaligiran.
  - dahil sa mga taong hindi na naisip kung anong magiging epekto ng paninira sa kapaligiran. Ang pagtatapon natin ng basura kung saan-saan ay ang dahilan kung bakit nangyayari sa atin ang ganitong mga delubyo. Pero tila hindi pa din tayo natatauhan mula sa mga bagyo na dumaan sa ating bayan.









Inaagaw ng korapsyon na ito ang pangarap nating mga mamamayan na umunlad at guminhawa ang ating buhay. Biruin mo sa limang taon umaabot sa 1,200,000,000,000 trillion ang nakurakot sa limang taon ? Imagine,ang 1.2 trillion ay katumbas ng...
  • bahay at lupa para sa 12,000,000 na maralitang pamilya. 
  • scholarship sa kolehiyo para sa 2,000,000 na kabataang nais makapag-aral.
  • pagkain sa isang taon para sa 10,000,000 na pamilya.
  • hanapbuhay para sa 11,000,000 na pilipino sa loob ng isang taon.

At ano nga ba ang mga bunga ng korapsyon na ito ?
  • pananatili ng kahirapan at paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap.
  • pag-iwas ng mga makapangyarihang kriminal sa kaparusahan.
  • paghihiwalay ng mga pamilya at paghihirap ng mga OFWs.
  • paglaganap ng prostitusyon, krimen, droga at pagbaba ng imahen ng bansa.
  • kahinaan ng ating ekonomiya sa kompetisyong pandaigdig.

Wala ng mas malaki pang krimen kaysa sa nakawan ang mga mahihirap at ang buong bayan. Wala ba silang puso ? Kung sino pa ang gumagawa at nagpapatupapad ng mga batas ay siya pang pasimuno ng ganitong karahasan. Maawa naman po kayo. Kung hangad niyo talaga na pagsilbihan ang bayan wag ninyong gamitin ang inyong pwesto para pagsamantalahan ang mga mahihirap. Matakot kayo sa Diyos, kung may diyos man kayo.


No comments:

Post a Comment