Pages

Thursday, 12 April 2012

BE HAPPY..

         Learn how to be happy with what you have while you pursue all that you want. - Jim Rohn

Maging masaya ka sa kung anong meron ka. In english " be contented with what you have ". Maraming tao ngayon ang hindi kontento sa kung anong meron sila. Pag may bagong labas na gamit gusto nila meron din sila. Sa paniniwala ng iba pag meron kang bagong gamit eh sikat ka na. Sa panahon ngayon pasok diyan ang IPHONE 4S. Isang cellphone na ubod ng mahal. Hindi naman sa pagiging bitter pero para lang sa cellphone na napakamahal eh mag sa-sacrifice ka magipon na sobra sobra. Eh ang gamit lang naman ng cellphone eh maka keep in touch pa rin tayo sa mga mahal natin sa buhay. Grabe kung umangal ang mga tao ngayon sa taas ng mga bilihin pero nagagawa pa din nating gumastos para sa ibang bagay makasunod lang sa uso. Pero paano nga ba maging kuntento sa kung anong meron tayo? Simple lang..

Be thankful for the basics -- Pagkain, bahay, trabaho, pamilya, kaibigan. Lahat ng ito ay meron tayo. Dapat natin itong ipagpasalamat. 

Look at what you do have --Pagkaisipin natin ang mga bagay bagay na meron tayo. Isipin din natin na hindi lahat ng tao eh meron nito. Be thankful for this small things.

Ayan!! Ngayon alam mo na ? Hindi pa yan ang lahat pero sa simpleng impormasyon na yan siguradong makakatulong ito. Isa pa, iwasan din natin ang pagiging inggitero/inggitera. A competent and self-confident person is incapable of jealousy in anything. Jealousy is invariably a symptom of neurotic insecurity. Kaya natin nagagawang makabili ng mga gamit gamit na yan dahil sa inggit. Kaya mga inggitero inggitera diyan, iwas iwas na. Kaylangang magtipid sa panahon ngayon dahil mahirap ang buhay. At hindi din natin dapat kalimutang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin mula kay Lord.



No comments:

Post a Comment