Pages

Tuesday 3 April 2012

GANUN TALAGA.

Dati ilang beses na din ako nag pa-planong gumawa ng sarili kong blog. Kaya lang inaatake talaga ako ng katamaran.


 Yung tipong hyper na hyper ka gumawa kapag nakakakita ako ng mga magagandang             blogsites tapos ang gaganda pa ng templates, layouts, fonts at saka mga backgrounds. With matching moving pictures. Kaya bigla bigla akong namamangha.


Pero nung inumpisahan ko na, sa una ganado akong mag type sa keyboard at pagkabili-bilis pa. Yung tipong ang daming ideas yung lumalabas sa isip ko na gusto kong itype lahat. Pero habang katagalan nawawalan na ako ng gana. Hanggang sa napabayaan ko na. 


Tapos ayun naisip ko ang dami ko na palang nagagawa pero sa katamaran ko, napapabayaan ko lang. Kung gusto ko talaga ang isang bagay dapat pagtuunan ko yon ng pansin.


Kaya ayun naisip ko ulit gumawa ng panibagong blog. At this time maganda na siya ayon sa aking mga mata. At napagtutuunan ko na siya ng aking oras. :))


Iba talaga yung feeling na desidido ka talaga sa ginagawa mo. Yung tipong masaya ka sa gingawa mo. :)) Na e-excite ako sa tuwing magta-type na ako sa aking blog at is-share ang kung anong meron sa aking isip. Kumbaga eto na yun eh. Eto na ang online diary ko :)))


Kaya eto ako ngayon patype-type na lang ako ngayon habang nag s-soundtrip =)

No comments:

Post a Comment