Pages

Saturday, 21 April 2012

Manhid mo !


HOY, MANHID!
“As always ganyan naman talaga.
Ayos kayo sa una,
bandang gitna..
Hanggang sa huli, biglang hihina.

Ayaw mo naman mawala ang lahat sa isang iglap lang
dahil sa simpleng di maipaliwanag na pagtatampo,
di mo mapigilang kumalat ang isip mo
lalo na’ng malayo kayo’t uso magselos at pairalin ang kutob.


Ang lamig.
Lalo na pag hindi maganda ang kalooban mo,
habang ang saya-saya niya,
ne simpleng text na “hello” hindi man lang maka-send sayo.
Hindi mo rin sya kayang sumbatan
kasi immature sa tingin mo pag inadmit sakanya.
Kaya mas pinili mong manahimik nalang.
At siya’y pakiramdaman kung marunong rin siya makiramdam.

Maiisipan mo din siyang iwanan,
pero habang patagal ng patagal kang nagmumukmok sa isang sulok,
Tila’y onti-onti kang pinapatay sa loob
pagsisisi sa sarili’y hindi rin maiwasan.

Iiyak ka nalang.
Tatanong mo sa sarili mo ba’t kailangan mong danasin lahat iyan.
Nakakabitter lang kasi lagi mong pinapadama na mahal mo siya,
pero dumadating na sa puntong hindi mo ramda’ng mahalaga ka sakaniya.

Naisip mo na masyado mo nang binigay ang lahat
kaya pinagsasawaan ka na niya o dahil hindi parin sapat.
Pero ano pa nga ba ang hindi sasapat,
Sa pusong nagmamahal ng tunay at tapat?


Yan man ang mga tinatago ng puso mo,
napapawi naman ng mga katwiran niya sa’yo.
Maaaring tama o mali, ngunit mas mabuti nang ikaw nakakaintindi.
No choice ka, eh. Siya parin ang nagpapagaling ng puso mong may sakit.”



Creditshttp://ruksimi.tumblr.com/

No comments:

Post a Comment