Pages

Saturday, 19 May 2012

The Tricycle Series


Tricycle Story No. 1
Nangyari ito noong gabi ng Hulyo 28 habang pauwi ako ng bahay galing OJT. Tawagin nating John ang drayber ng nasakyan kong traysikel...

Drayber 1: Miss, may kilala ka bang Gilbert Santos, yung may-ari ng bahay n'yo?
Ako: (hindi sumasagot, pagod na ako nung gabing iyon)
Drayber 1: Saan ka ba nag-high school? Sa Judge Juan Luna High School ba?
Ako: (hindi pa rin sumasagot, ayokong makipag-away)
Drayber 1: Saan ka ba nag-high school?
Ako: (hindi pa rin sumagot kahit naiinis na ako)

Maya-maya unti...

Drayber 1: Miss, maganda ka ba?
Ako: (kahit inis na inis na inis na ako kay Drayber 1, hindi ko pa rin sinasagot mga tanong niya, baka matarayan ko lang at pagod pa)
John: Miss, huwag mo na lang sila pansinin. Ganyan lang talaga sila papansin.
Ako: (dedma)

Pagbaba sa kanto ng bahay namin, inabot ko na yung bayad ko. Sampung piso iyon nang...

John: Miss, wala akong barya.
Ako: Tricycle driver, walang panukli? (ganito na naisagot ko sa kanya dahil sa pagod at pagpapa-pansin ng mga kasamahan niyang drayber)
John: (inabot ang piso sa akin samantalang may dalawang magkasintahan na nagtatalo sa harap namin)
Ako: Hay naku... (naasar)

Tricycle Story No. 2
Makalipas ang dalawang gabi (Agosto 1). Nagulat traysikel ni John ang nasakyan ko at...

John: Miss, may utang ba ako sa'yo?
Ako: Ha? Wala naman. Wala naman akong matandaan.
John: Di ba sampung piso utang ko sa'yo?
Ako: Wala ka namang utang sa akin. Wala akong matandaan.
John: Ako yung nasakyan mong traysikel nung isang araw. Nagkulang ako ng bigay na sukli sa iyo.
Ako: Ikaw ba yung traysikel na nasakyan ko na may kasamang mga drayber sa shed?
John: Ako nga 'yun. Pinagsabihan ko nga sila pagkatapos nun. Sabi ko huwag ng kausapin yung tao kapag hindi na sinasagot mga tanong n'yo. Hindi nga ako nakatulog nun baka ireklamo mo ako kasi kulang ang sukli ko sa'yo?
Ako: Ah, okay lang yun.
John: Ini-echos ka lang ng mga yun. Kung anu-ano lang sinasabi lang nila sa'yo. Mga nagpapapansin pero pinagsabihan ko na sila.
Ako: Ah, halata naman. Hindi ko nga kilala yung Gilbert Santos.
John: Sabi ko nga sa kanila, huwag sila sa kalye magpakilala. Dalawin nila sa bahay.
Ako: Mmmkay...

Nakababa na ako sa kanto ng bahay namin at talagang nagulat lang ako sa mga sinabi ni John sa akin.

Mga Natutunan:
Hangga't maaari, huwag na huwag makikipag-usap sa mga taong hindi kakilala.
Less talk, less mistake. Kung ayaw makipag-away, huwag ng patulan ang mga taong papansin at walang magawa sa buhay nila.
Ngunit kung ayaw ka nilang tigilan, kausapin mo ng mahinaon. Kung ayaw pa ring tumigil, awayin mo na sila.
Hangga't maaari, eksaktong bayad lang ang ibigay mo.





No comments:

Post a Comment