Pages

Thursday 3 May 2012

Mayo Na!

         Mayo na pala. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung nag bakasyon ang mga estudyante sa paaralan. Parang kailan lang nung simulan ko ang Blog na ito. Naka tatlong buwan na pala simula ng simulan ko ito. Konti lang ang followers, wala pa sa lima. Walang nag c-coment. Pero okay lang. Di naman ako gumawa ng blog para makipagpaligsahan sa pag-paparami ng followers. Naisip ko lang naman talaga gumawa nito para magsilbing diary ko. Mabasa man ng iba at least na s-share ko kung anong meron sa buhay ko. Kaya sa mga mag f-follow pa nitong blog na ito, SALAMAT. Wala man itong kabuhay-buhay pero ito ang bumubuo sa aking pamumuhay. Ang pag u-update ng kung anong meron sa akin. :)) Maligayang pagbabasa :)) 


PS.
Libre Lait :))
Libre Kutya :))
at mas 
Libre ang Papuri :))

No comments:

Post a Comment