Pages

Tuesday, 8 May 2012

Mutual Understanding / M.U

M.U thing.

Sa totoo lang di ko talaga maintindihan kung ano yang M.U na yan.
Nahihirapan akong unawain ang salitang yan. Kaya gumawa ako ng researches from different blogs. And kahit papaano nalinawan ang utak ko ukol sa salitang ito. Dati kasi na mi-misinterpret ko ang salitang ito, knowing na it is just flirting with someone. Pero hindi din pala. Marami pa akong gustong basahing opinions about M.U, so let me post some of their opinios about it. Then feel free to comment about it. :))




Para kasi sa iba, Eto lang ang MU:
     ~Pwede kang magselos, pero wala kang karapatang awayin sya. Ganito lang yan. Kapag may nakikita kang may kasama syang iba, lalo na kapag inili-link sa kanya, sa totoo lang, wala ka talagang karapatang magselos, pero hindi maiiwasan yun d ba? So, ibabaon mo na lang yun sa lupa kasi hindi naman talaga kayo d ba?
   ~Pwede kang masaktan. Kasama naman talaga ito eh. Kaya nga naging mag-MU kayo d ba? Pero syempre, baka pagtawanan ka lang ng iba kasi iniiyakan mo ang taong hindi mo naman karelasyon.
    ~Free kang mag-entertain ng iba. Kahit sino, pwede mong i-entertain, wala kasi kayong relasyon eh. So, walang pakialamanan ng trip.
   ~Wala kang karapatan na paikutin ang mundo nya. Wala kang karapatan sa kanya, tandaan mo yan. Pwee mo syang, alalahanan, alagaan. Pero yung ikaw yung susundin nya at all times? Never. MU lang kayo.

Pero ang maganda sa MU?
   ~Malambing kayo sa isa’t isa. Kahit pa sabihing wala kayong relasyon, yung undying sweetness nyo, hindi yan nawawala.
   ~Andyan sya lagi para sa’yo. Syempre kapag kailangan mo sya, dahil may namamagitan na sa inyo kahit konti eh andyan sya to comfort you.
 
Alam nyo, hindi lahat ng MU napupunta sa isang relasyon. Maaari ring masira kayo. Pero what if kung magkatuluyan na talaga kayo? KAKILIG NAMAN. :”>


By: http://shimokiko.multiply.com/journal/item/48?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem


Mutual understanding.

Magulong usapan.
Matinding uncertainty
masakit sa ulo
morons in unison

mapagpaasang usapan.

Magulo ang emyu. Actually nakakatawa ang stage na yan. Binigyan ka ng karapatang kiligin pero hindi ang karapatang magselos at magdemand. Gusto ko nya pero hindi enough para maging kayo. Gusto mo sya gusto ka nya. Alam nyo yun pero ayaw nyo pa.

Pero mas mahirap ata yung gusto mo sya pero ikaw di mo alam kung gusto ka nya. Mababaliw ka kaiisip kng bakit ganun ang mga ginagawa nya. Di ka naman pwedeng kiligin kasi di mo pwedeng lagyan ng meaning. Kasama mo sya pero di ka pwede magselos at magdemand.

Nakakaloka tong pag ibig. Napakadaming uncertainties. Masarap makipagpatintero sa nararamdaman pero masakit tuwing natataya at nadadapa. Pero what can we do but to live our lives as what we are supposed to. Pag nadapa edi tumayo. Kapag napapagod edi magpahinga. Kapag nasasaktan edi magmahal.
We are created to love because our Creator is
love himself. So wag ka na magtaka kung bakit ka nagmamahal. Wag ka ring magtaka kung bakit ka nasasaktan. Duh. Nagmamahal ka eh. Meron bang naligo na hindi nabasa?


By :  http://jesusissuperman.tumblr.com/


MU: Mutual Understanding ba? o Malabong Usapan?
Mahirap pumasok sa ganitong klaseng relasyon pero at the same time masarap din sa pakiramdam.

Naaalala ko dati yung sabi ni Ate, ang aking dakilang taga-payo. Sabi niya sa akin na kung mahal niyo talaga ang isa’t-isa pero hindi pa talaga ngayon ang tamang oras, hayaan niyo lang na dumating ang tamang oras para sa inyo at habang wala pa sa tamang oras hayaan niyo muna na alagaan ang isa’t-isa at maging MU. M.U. or Mutual Understanding, eto yung relasyon na parang kayo pero hindi. Ang importante raw dito alam niyong mahal niyo ang isa’t-isa at alam kung anong stage talaga kayo. Dito present lagi ang kilig vibes, ang pasulyap-sulyap at pangiti-ngiti sa isa’t-isa at hindi mo rin maiiwasan ang tukso ng ibang tao pero ang mahirap dito WALA KANG KARAPATAN na MAGSELOS at MAGDEMAND ng ORAS kasi nga MU lang naman kayo. Kaya dun kalimitan, yung iba sumusuko na sa ganitong set-up kaya minsan nahuhuli sa hiwalayan at nagkakasakitan. At ang iba naman nauuwi sa mas malagong lablyf. :)


By : http://bittersweetaibo.tumblr.com/


More than friends, less than lovers.
M.U. - Mutual Understanding; Magulong Usapan; Malanding Usapan; Malanding Utuan; Mutually Undecided. Sariling opinyon/kahulugan:

Masaya sa pakiramdam kapag may ka-M.U. ka.. Minsan nga may tawagan pa kayo eh.. (babe, baby, hon, boss, baboy, panget, etc.) Pakiramdam mo laging may nag-aalala sa’yo. Andun yung feeling na kilig na kilig ka dahil sweet sa’yo ‘yung isang tao. ‘Wag na tayong magpakaplastik. Aminin natin na ang saya talaga sa pakiramdam kapag may nagtetext sa’yo ng ganito, “Hi babe! Good morning. Text mo ‘ko agad pagkagising mo ah. I miss you! :) :*” Minsan nga, nagtatago ka pa sa banyo o sa kwarto para lang ilabas ng todo ‘yung kilig na nararamdaman mo. Hindi mo maiwasang hindi ngumiti kapag kausap mo yung ka-M.U. mo dahil nga sobrang kinikilig ‘yang kaluluwa mo. Masaya ang may ka-M.U. kung Mutual Understanding yung ipinapakita ng dalawang tao.

Magulong Usapan. Eto, eto yung isa sa mga pinakanakakatangang kahulugan ng M.U. Eto yung parang gusto niyo yung isa’t isa ngayon, tapos bukas, biglang gugulo isip nung isa. Magdadahilan na kesyo mahal niya pa yung ex nya, o di kaya naman ay sasabihin na baka nabigla lang siya sa nararamdaman nya. Fuck lang, noh? Ang gulo.


Magkatext, magkachat, magkatawagan. Lagi kayong magkausap. Sweet sweetan pero hindi kayo nakakasiguro kung pareho ba kayong may nararamdaman sa isa’t isa. Wala lang, basta malandi lang ‘yung way ng pag-uusap niyo. Kumabaga, parang trip niyo lang. Malanding Usapan. “Hi *insert name/term of endearment here*, Kumain ka na ahh. Wag magpapalipas. :)”

Malanding Utuan. Naglalandian kayo pero aware kayo na nag-uutuan lang kayo. Alam mong wala siyang feelings para sa’yo pero pumapayag ka makipagsweet sweetan dahil type mo siya.

Mutually Undecided. Pareho kayong magulo. Gusto niyo ang isa’t isa pero may iba pa din kayong gusto. Halimbawa, may syota ka tapos bigla kayong nagkagustuhan nung isang epal na may syota din. Hindi niyo alam kung anong susundin at gagawin niyo.. Magsstay ba sa syota o gagawa ng panibagong relasyon sa ka-M.U.

Last words: Bakit pa kasi nauso ‘yang M.U. na ‘yan, no? Mas lalo lang pinapakumplika ang mga bagay bagay ehh. Kumbaga sa status, imbis na single at in a relationship lang, meron pang it’s complicated. Hayyy, gulo!




So there you go. Sa sobrang dami ng ideas na ito di pa kaya ako maliwanagan nito ? haha :">
Thanks sa kanila.






1 comment:

  1. Hi! Active ka pa po ba? Ang galing mo po! :D Keep it up :) Gusto po kita makilala :)

    ReplyDelete