Pages

Tuesday 1 May 2012

Iba't Ibang Klase ng Utot


Punitot (pumupunit na utot)

- Ang utot na ito ay pinaka powerfull dahil sa dala nyang pressure at tila mapupunit ang iyong brief kapag ito ay sumabog at pag narinig ito ng iyong katabi, malamang na tanungin ka niya kung napunit ba ang pantalon mo!

Operatik

- Hindi ko po maipaliwanag ang isang ito, pero isa po syang kamag-anak ng normal na utot at ang kaibahan nga lang ay meron syang accent na melody na parang galing sa pwet ng isang foreigner.

Power-tots

- Ito po ay hindi pagalingan ng kaisipan, ito ay naglalaman ng isang hindi mapigilang damdamin at ang nakakagawa po nito ay malakas ang loob dahil kaya nyang i-express ang sarili nyang saloobin na walang kahihiyang marararamdam at magka-minsan ay isinasabay ito sa mga taong walang kwenta kung magkwento.

Upot (utot na may ipot)

- Ito po ay nakakatakot marinig sa kadahilanang baka akalain ng nakarinig na ikaw ay na-"jerbaks" na sa iyong brief at isang malaking abala dahil kailangan mo ng pumunta sa taku-beach (kubeta)

Ubotot (Utot na sinabayan ng Ubo)

- Ang Ubong-Utot ay pinlano upang huwag mahuli kung sino ang salarin. Madalas itong nangyayari pag may kaharap kang mga babae o dun sa mga nakakahalubilong tao na hindi nakakaintindi ng Utot. Delikado nga lang magka-minsan dahil baka maikli ang ubo mo at sobrang haba ng iyong utot na akala ng mga nakakarinig ay nag "echo" ang iyong ubo sa ibang lugar.


Nerbyosong Utot

- Ito ay nanggaggaling sa malihim na pamamaraan dahil sa hindi komportableng sitwasyon o lugar,ito ay nangyayari sa nakakahiyang tagpo at sa sobrang pag ipit ng pwet ay lumalabas ang kanyang napaka-ikling tunog.

Utot Lang

- Ang normal na utot ay simpleng nangyayari sa kahit saang lugar, Maaliwalas itong lumalabas na nagbibigay langng kakaunting pagpansin ng iyong mga kaibigan kasamahan sa trabaho.

Isa rin ito sa mga kamag-anak ng "Warak na utot" pero may kahinaan nga lamang ang kanyang tunog.

Kung nais nyong marinig ang kanilang sounds click mo yung play button ng video na nasa ibaba.

P.S walang masama sa pag-utot lahat ng tao umuutot mapa mayaman, mahirap, pulitiko, artista.





credits : https://www.facebook.com/Rakker.Loko

No comments:

Post a Comment