Pages

Monday 7 May 2012

Be Yourself !

UGLY YOUNG AE


Nagustuhan ko ang palabas na yan dahil sa tingin ko ay nakakarelate ako. Paano ? Nakaka relate ako mismo sa bida ng korean drama na ito. Nung una ko itong panoorin medyo na bored ako sa takbo ng kwento. Pero dahil sa wala akong magawa tinapos ko ang panunuod. Si young ae ang isang tipo ng babae na mahirap magustuhan. Natural mente ang gusto ng mga lalaki sa panahon ngayon ay maganda at seksi. Period. Si young ae naman ay di kagandahan at sobrang taba. Na halos sa trabaho niya ay kinukutya pa siya ng mismong boss niya. Pero dahil sa isa siyang matatag na babae hinahayaan na lamang niya ito. Masasabi kong kahit papaano ay nagkaroon din siya ng lovelife dahil nagkagusto sa kanya ang isang karakter dito na si won joon. Sa tingin ko naman ay seryoso siya kay young ae pero para sa kanya di sila bagay ni won joon dahil napaka gwapo nito. Maraming dumaang pagsubok kay young ae. Nagawa niyang magpapayat. Magayos ng sarili para magustuhan ng iba. 



Nakarelate ako dito dahil para akong si young ae. Mataba at di kagandahan. Lagi kong sinasabi sa isip ko na tanging ang ugali kong pagiging mabait ang panlaban ko. Pero wala pa din. Pisikal na kaanyuan ang labanan ngayon. Nawawalan ako ng self confidence pag nakakakita ako ng mas seksi at mas maganda sa akin. Sinusubukan kong mag diet pero di ko kaya. Pagdating sa lovelife. Nagkaroon naman pero di rin nagtagal. Di ko alam kung bakit. Ewan ko ba. Salamat na nga lang sa best friend ko at lagi niyang pinapalakas ang kalooban ko. Pero naisip ko lang, hindi ba't mas masarap magmahal ng isang tao na mahal ka sa kung ano ka ?. Yung tipong tanggap ka kahit ano ka pa ? Hay kailan kaya ako makakahanap ng ganun ? Sabagay, bata pa naman ako. Si young ae, 35 na, eh ako 18 pa lang. Di ako dapat magmadali. Sabi nga ni mama, marami pang lalaking mas deserving para sa iyo. Mas nakatatak na sa isipan ko na mahalin mo at pahalagahan mo kung ano ang ibinigay na itsura sa iyo ng diyos. MAGANDA KA DAHIL KAWANGIS KA NG DIYOS. 

No comments:

Post a Comment