“If life was a dream, then dying must be the moment when you woke up. Day Dreaming is my Hobby xD
Monday, 7 May 2012
BAKA MALIMUTAN NATIN ANG ATING SARILING WIKA.
Abuloy - bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala - alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sanakung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit - tanong na laging mahirap masagot.
Bakya - tsinelas na may takong.
Baga - lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong - masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado - hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale - suweldong inutang.
Binata - lalaking gustong maging ama
Kaaway - ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag - dighay at utot na naghalo sa tiyan.
Kabayo - hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kalbo - gupit ng buhok na korteng itlog.
Dilim - liwanag na maitim.
Gipit - kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha - sagot ng nagbibingi-bingihan.
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan - magdamagan na Palakihan ng tiyan.
Handog - bigay na laging may kapalit.
Hipo - haplos na may malisya.
Hudas - tapat na manloloko.
Ibon - hayop na lumalangoy sa Hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto - walang hiyang biro.
Isda - hayop na hindi Nalulunod.
La - ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw - kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma - tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog - hitsura ng tumatabang balat.
Mama - tawag sa sosyal na ina.
Mano - kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.... at bulsa.
Mantika - katas ng piniritong taba.
Mayabang - abusadong tanga.
Maybahay - dominanteng utusan sa bahay.
Nanay - Ilaw ng tahanan
Nakaw - hiram ng walang paalam
Naku - ikli ng 'nanay ko, nanay na ako.'
Nitso - bahay ng mga patay.
Nobya - gelpren na laking probinsya.
Ngiti - tawang labas ipen.
Paa - bahagi ng katawan na amoy tuta.
Panata - dasal na nakatataba ng tuhod.
Sabon - mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sampal - haplos na nakatitigas ng mukha.
Tamad - taong hindi napapagod sa pahinga.
Tatay - haligi ng tahanan
credits: http://www.engrmoks.com/2012/02/naluha-sa-sariling-wika.html
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment