Pages

Thursday 15 March 2012

BESPREND


Walang halong ibang tinta kundi ang pagtataka na kahit sa kabila ng pagkakaiba paanong naging isa ang timpla?
Maingay ako.. tahimik ka…
Prangka ako… malambot ka  magsalita…
Palaisip ako…habang ikaw kuntento sa kung ano man ang ‘yong ginagawa…
madami ako napupuna… ikaw parang walang nakikita…
nakafocus ka sa isang bagay.. habang kalat ang utak ko….
mabagal ka kumain… ako nakakaubos ng pagkain sa loob ng limang minuto..
black yata favorite mo.. red ang favorite ko…
makulit ako parang kiti-kiti…. ikaw parang tuod tinatamad palagi…
pero mas masipag ka sakin..magaling ka maghugas ng pinggan…
habang ako nakatunganga… sa bahay wala kaseng alam…

konti ka kumain kaya di ka tumataba… ako madami kinakain kaya pisngi ko kumakawala…

pero sarap lang kase ang babaw lang ng kaligayahan natin… tawa dito tawa doon kahit ano kahit nakakapraning… Pero ang pinakatinetreasure ko sa lahat ay yung mga oras na  pareho tayong umiiyak… di lang dahil sa nanjan tayo para sa isa’t isa pero nakita natin yung ISA na tunay at GANAP!


No comments:

Post a Comment