Pages

Wednesday 28 March 2012

MAGNUM ?

MAGNUM

Anong meron ba sa magnum na yan ? eh simpleng ice cream lang naman yan? Parang pinipig  lang yan na tinitinda sa amin.  Ang kinakainis ko lang napakamahal niya kung ibenta. Umaabot ng 50 pesos hanggang 60 pesos!? Naku eh mas mura pa yung pinipig crunch na tinitinda sa amin..Sa 50 pesos pwede ko nang pang load yun. Sa 50 pesos pwede ko nang pamasahe sa dyip yun. Eh pag bumili ka ng Magnum ilang minuto lang ubos na!? Hindi ba nanghihinayang yung mga bumibili nito? Kung sabagay, bagong labas xempre maiintriga yung iba kung anong Lasa ng Magnum. Pinagtataka ko lang, ang mga tao  ngayon sobra kung maka react sa pagtaas ng GASOLINA, Presyo ng mga bilihin sa palengke, Pagtaas ng kuryente, Pagdagdag ng .50 cents sa pamasahe sa dyip..pero ang magnum na sobrang mahal kung makabili sila kala mo mayayaman.
Opinion ko lamang ito mga pare! Natatawa naman ako kapag nag bubukas ako ng account ko sa FACEBOOK. Kung hindi si SIMSIMI eh Magnum ang laman ng newsfeed ko. Yung iba kinukunan ang sarili kasama ang kinakain nila na magnum ? So anu tawag sayo nyan? Sosyal ? hahaha.. Kaya sige lang ok lang bumili ng magnum pero wag kayong aangal pag sasusunod na kapa nyo ng bulsa nyo ay butas na ang makapa mo.

No comments:

Post a Comment