Pages

Saturday 31 March 2012

MERCEDITAS HAVE MERCY ON US.

Merceditas ang tawag sa mga baluti ng hudas
Pangalan ng taong caregiver ni satanas,
Maaari ring isang sakit na walang lunas,
O di kaya'y uri ng pagkaing nabubulok sa Payatas.

Merceditas,
Sino ba talaga ang iyong amo?
Si REGLA bang nagluklok sayo?
O ang taumbayang nakatanghod sa'yo?

Kamukha mo yung tsismosa naming kapitbahay.
Hawig mo rin pag clinose-up yung anay,
Para kang BITCH sa aming paningin,
Pagkat inuupuan mo lang ang mga kasong nakabinbin.

Gusto ko sanang sumulat ng isang matinong tula,
Yung tipong hindi ko na kakailanganin pang magmura,
Kaya lang ikaw ang napili kong paksa,
Wala tuloy akong maisip na magagandang salita.

Panalangin ko sana'y bumaba ka sa pwesto,
Wag mo nang patagalin ang dinaranas naming kalbaryo,
Nais na naming makalaya sa gapos ng korapsyon,
At nang makausad na ang naghihingalo nating nasyon.

No comments:

Post a Comment