Pages

Wednesday 14 March 2012

ANINO

Sino ka ?

Anak ng tokwa, kung bakit ba naman kasi ako pinanganak na matatakutin. Yan tuloy halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Bakit kamo ?
Patay ang ilaw, tanging ang ilaw lang ng monitor ang bukas..
Sarado ang pinto, bukas ang electric fan, tanging ingay lang ng aking cp ang maririnig.
Habang ako'y kinikilig sa mga mensahe ni pag-ibig sakin, isang itim na anyo ang napansin
ng aking singkit na mata..
papalapit..ayan na..lumalapit pa..
hanggang sa nasa likod ko na talaga siya.

Diyos ko..takutin mo na lahat wag lang ako..
dahan dahan ako lumingon.
hanggang sa.. BOOM !


"Nay, gawain mo ba talagang manakot? ".

No comments:

Post a Comment