Pages

Monday, 19 March 2012

UNFAIR


"Unfair,napaka unfair !" yan yung mga kataga na madalas kong sabihin everytime na mya mga bagay na nangyayari sa akin na di maganda. Bakit ko ba nasasabi yun ? Feeling ko lang maraming bagay na napaka unfair. In terms of family problems, napaka unfair na kasalanan ng kapatid ko pero ako ang kagagalitan. Kesyo ako ang mas matanda sa kanila. Yung tipong ako dapat ang gumawa ng gawaing bahay dahil malaki na daw ako at ako ang mas matanda. Maglalagay nga sila ng schedule of household chores sa bahay pero hindi naman nasusunod. At still ako ang gumagawa ng lahat. ! Minsan kahit sabihin mong pagod ka na wa-epek pa din. Ang masama pa eh ikaw na nga tong inuutusan lagi magpahinga ka lang saglit at makita ka lang na nakahiga sasabihan ka nang TAMAD !



Suko na by : Zacariah


In terms of Friendship, may mga bagay na napaka unfair din. Minsan nabubuo yun dahil na rin sa jealousy. Yung tipong napaka unfair kasi ang ganda nya, ndi kabaitan pero ang daming naging jowa. Hindi katulad ko hindi kagandahan pero sobrang bait ko naman. NBSB (no boyfriend since birth) naman. Unfair minsan kasi mas gusto nila ugali ng friend ko kesa sakin. Minsan masasabi ko na lang na "anong meron siya na wala ako?". Kaya ayun minsan magpapaka senti na lang sa tabi. 



In terms of Lovelife naman, parang friendship din yan eh. Doon din nabubuo ang jealousy. Yung tipong hindi mo matanggap na pinagpalit ka niya sa bestfriend mo na kung tutuusin mas mabait ka pa sakanya. Pero ganon talaga eh. Wala tayong magagawa. Kung may darating naman sa akin feeling ko hindi siya karapat dapat for me. Choosy na kung choosy pero gusto ko lang naman magpakatotoo. Oo marami akong reklamo pero anong magagawa ko? 




Pusong Lito by : Myrus



Pero ika nga Life is Unfair. I really love that fact. It's true na life is unfair. Sobra. May mga taong mayaman na nga, maganda pa, matalino pa (sila na) may mga tao rin naman na kapos sa buhay, tulog nung nagpa-ulan si Lord ng kagandahan at talino (wag mawalan ng pag-asa). Kaya hindi talaga maiiwasan na sumagi minsan sa isip nating mga tao na ang buhay ay napaka-unfair talaga. hay buhay...





Pagsubok by : Kitchie Nadal


Kaya para sa mga taong "perfect" na ang buhay.... Wag magpakasaya maghihirap rin kayo! (bwahaha). At sa mga taong lugpok na sa kahirapan, giginhawa rin tayo! Pagsubok lamang iyan!  


No comments:

Post a Comment