Pages

Saturday 31 March 2012

NAKALIMUTAN KAYA?


Sa oras kaya na makalimutan mo ako at sumaya ka sa iba eh maiisp mo pa kaya yung mga bagay na nagpasaya rin sa atin noon? Hindi na siguro nuh? Napakalungkot na lahat ng bagay na ginawa mo noong kabutihan dati eh mapapawi lang ng isang maliit na pagkakamali. Maaaring pagkakamali na makaaapekto sa tiwala ng isang tao. Pagkakamali na hindi mo naman sinadya. Sa dami ng taong dumating sa buhay natin, talagang may taong darating at magpapatibok ng puso natin.
Mahihirapan ka pumili, mahihirapan ka mag desisyon, siguro ganun na lang talaga ang buhay ng isang tao, makakalimutan at makakalimutan ang ating mga ginawa sa kanila,sa oras na may nahanap na muli silang ibang magpapasaya sa kanila. 

No comments:

Post a Comment