Pages

Wednesday, 20 June 2012

BUHAY ESTUDYANTE




























Kapag ang teacher nag walk out...
Kadalasan mangyari ito lalo na pag muhing muhi na nag guro sa kanyang mga maiingay at pasaway
na mga estudyante. Yung tipong nakakailang saway at sigaw na ang kanyang nasasabi pero wa epek pa din.

Elementary Days... syempre pag nag walk out si teacher, kinakabahan ang lahat. Baka hindi na magturo ulit o kaya baka hindi na siya bumalik. Diyan papasok ang katahimikan na akala mo dinaanan ng libo libong anghel at biglang nagsi tahimik ang mga estudyante.

High School Days... pag nag walk out naman si teacher, nagsisisihan na ang lahat. Takot na baka parusahan dahil sobrang ingay. Nagsisisihan kung sino ang naging pasimuno sa ingay na yon. Natatakot na baka madamay ang lahat pag pinagalitan ang kung sino man ang maingay.

College Days... eto yung days na mag walk out man si prof eh okay lang. Pa attendance ka lang par makasiguradong present ka sa araw na yon sabay alis. Gawain ko din yan. :)) Syempre ano pang gagawin ko eh wala na nga yung prof. Syempre pa attendance na lang ako para sure ako na hindi ako ma aabsenan sa araw na yon.  :)) Mautak toh eh.


Pero syempre bilang estudyante isipin din natin kung ano nga ba ang nararamdaman ng ating teacher everytime na mag w-walkout siya. Maging concern tayo. Mahirap magturo sa isang klase na sobrang pasaway. Mahirap pagsabayin ang pagtuturo at pagsasaway. Tao lang din naman sila. Nasasaktan din at pag nauubos ang pasensya minsan nag w-walkout na lang.

No comments:

Post a Comment