1. Pumasok sa first day of class. Wag mong isipin na first day naman, baka wala ring gawin. Essential ang first day ng College. Kung ayaw mong mamulala sa mga susunod na araw, pasukan mo to. Eto ang araw na maghahanap ka ng rooms, subjects at may mga ilang prof na magpapakilala na, may mga istriktong prof na nagagalit sa mga estudyante na wala sa unang araw, kaya babala.
2. Huwag susugod sa giyera ng walang dalang armas. Huwag na huwag kakalimutan ang pinakaimportanteng gamit ng isang college student: ang Ballpen. Kung nung highschool ay puno ang bag mo ng 9 na notebooks, pencil case, crayons, pantasa, gunting, libro. Sa college, Ballpen at binder lang ang tanging kelangan mo. Ay, isa pa pala wag na wag kang magpapawala ng yellow pad. Dahil kung problema sa highschool days ang papel, ganito rin sa college. Para mabawasan ang mga buraot sa mundo, simulan mo na ng pagkukusa, Magdala ka. tatlo dos lang ang yellowpad sa tindahan nila Aling Idad.
3. Mag take-down notes. Para diyaan ang ballpen at binder na dala mo. Wag gawing palamuti sa bag. Gamitin. Wag tumunganga sa prof, isulat habang nakikinig. Wag mong gayahin yung mga naggagaling galingan na nakaprente lang sa prof dahil sila rin ang mga taong nagkukumahog manghiram ng notes kapag may nagaganap na pop quiz.
4. Maghanap ng tambayan/aralan. Hindi naman maghapon ay nasa loob ka ng classrooms. May break din, kaya kung malapit ang bahay o may dorm na tinutuluyan, doon nalang tumuloy para iwas gastos. Kung malayo ay maghanap ng mura at komportableng lugar na matatambayan, pwedeng doon ka na rin mag-review kung gusto mo.
5. Unahin ang mga subject na nahihirapan ka. Kung nahihirapan ka man sa isang subject (o dalawa o tatlo) Yun ang unang pagtuunan ng pansin, at pag-aralan. Siguraduhing, fresh at nasa huwisyo ang utak pag pag-aaralan para hindi sayang ang oras at effort mo dahil kung nagrerebyu ka ng wala sa mood ay walang papasok sa utak mo. Kung nahihirapan ka talaga, maghanap ka ng taong marunong sa subject na yun at magpaturo.
6. Maki-mingle, single man o hindi. Makipagkilala sa ibang tao. Pwera nalang kung loner ka at mas gusto mong mag-isa, pero kung hindi, makipag socialize ka. Maghanap ng kaibigan na totoo at laging maasahan. Yung nandyan kahit anong panahon. Wag yung parasite na magaling lang sayo pag mabango ka. Wag kakaibiganin ang mga alam mo namang wala kang mapapala, kung gusto mong makatapos ng pag-aaral. Pumili ng tamang kaibigan.
7. Be yourself. Oo, ang gasgas na linyang be yourself. Be yourself, unless you’re a loser be someone else. Dejoke. Wala kang mapapala kung magpapanggap kang bilang ibang tao. Maaring magustuhan ka nila pero hindi bilang ikaw kungdi ang pinagpapanggap mo. Mas magandang magustuhan ka ng mga tao bilang sarili mo at di sa ini-impersonate mong tao.
8. “Maging estudyante ng iyong paaralan” Gamitin mo naman ang resources sa school na iyong pinapasukan. Bisitahin paminsan-minsan ang library, computer labs etc. Kausapin ang mga prof na nakikita mo outside campus, wag lang sisipsip. Wag yung pumapasok ka lang sa school at sa classroom lang ang alam mo. Parang bansa lang din yan na tinitirhan mo. Mahalin ang eskwelahan.
9. Magbigay ng oras para sa pag-aaral. Para maiwasan ang cramming tuwing exams, maglaan ng oras para sa pag-aaral. Yung mga panahong wala ka namang ginagawang produtikbo ay magbasa basa ng notes. Mas maganda ang may schedule, kung hindi every weekends okaya naman tuwing gabi bago ka matulog. Iwasan ang caffeinated drinks e.g kape, softdrinks, energy drink bago o pagkatapos mag-aral.
10. Maglaaan ng oras para sa sarili. Hindi rin namang magandang puro aral aral na lang. Baka masiraan ka ng bait kapag ganun. Magkaroon din ng oras para sa recreation. Wag lang din yung sobra. Maglibang paminsan-minsan pero siguraduhing tapos na ang lahat ng gawain para maiwasan ang paghahabol.
No comments:
Post a Comment