"An apple a day keeps the doctor away, but if the doctor’s cute then forget the fruit."
“If life was a dream, then dying must be the moment when you woke up. Day Dreaming is my Hobby xD
Thursday, 21 June 2012
Wednesday, 20 June 2012
Why people ? Why ???
Bakit ang konti lang ng followers ko ?
I feel so alone. I need friends.
Is it too boring ?
Nonsense ?
What ?
I feel so alone. I need friends.
Sabagay hindi naman kasi ako inglesera tulad ng ibang blog.
Hehe. Pilipino ako at tagalog ang aking wika !! (palusot)
Pahingi ng followers..haha..(joke)
WeLcome followers.
More followers to come.
Girlfriend vs Boyfriend
At dahil sa babae ako ibibigay ko ang aking opinyon ukol dito.
Ang babae may pagka demanding talaga yan.
Gusto ko nito, gusto ko ng ganito.
Ang babae minsan ma pride at may isang salita.
Pag sinabi niya, sinabi niya. Ganun ako eh. Kaya lang minsan may negative din na epekto yun.
Kailangan din nating intindihin ang side ng mga lalaki kasi sa isang relationship dapat give and take.
Dapat alam din natin ang side ng mga lalaki, dapat naiintindihan din natin sila.
Ako kasi yung tipo ng girlfriend na pag may mali akong nakikita sa relationship namin, sinasabi ko agad yun sa boyfriend ko. Mas magandang mapagusapan ang mga bagay bagay para nagkakaroon ng linaw.
Mahirap kasi pag paiiralin mo ang pagdududa.
BUHAY ESTUDYANTE
Kapag ang teacher nag walk out...
Kadalasan mangyari ito lalo na pag muhing muhi na nag guro sa kanyang mga maiingay at pasaway
na mga estudyante. Yung tipong nakakailang saway at sigaw na ang kanyang nasasabi pero wa epek pa din.
Elementary Days... syempre pag nag walk out si teacher, kinakabahan ang lahat. Baka hindi na magturo ulit o kaya baka hindi na siya bumalik. Diyan papasok ang katahimikan na akala mo dinaanan ng libo libong anghel at biglang nagsi tahimik ang mga estudyante.
High School Days... pag nag walk out naman si teacher, nagsisisihan na ang lahat. Takot na baka parusahan dahil sobrang ingay. Nagsisisihan kung sino ang naging pasimuno sa ingay na yon. Natatakot na baka madamay ang lahat pag pinagalitan ang kung sino man ang maingay.
College Days... eto yung days na mag walk out man si prof eh okay lang. Pa attendance ka lang par makasiguradong present ka sa araw na yon sabay alis. Gawain ko din yan. :)) Syempre ano pang gagawin ko eh wala na nga yung prof. Syempre pa attendance na lang ako para sure ako na hindi ako ma aabsenan sa araw na yon. :)) Mautak toh eh.
Pero syempre bilang estudyante isipin din natin kung ano nga ba ang nararamdaman ng ating teacher everytime na mag w-walkout siya. Maging concern tayo. Mahirap magturo sa isang klase na sobrang pasaway. Mahirap pagsabayin ang pagtuturo at pagsasaway. Tao lang din naman sila. Nasasaktan din at pag nauubos ang pasensya minsan nag w-walkout na lang.
Monday, 18 June 2012
10 ways to Survive in College.
1. Pumasok sa first day of class. Wag mong isipin na first day naman, baka wala ring gawin. Essential ang first day ng College. Kung ayaw mong mamulala sa mga susunod na araw, pasukan mo to. Eto ang araw na maghahanap ka ng rooms, subjects at may mga ilang prof na magpapakilala na, may mga istriktong prof na nagagalit sa mga estudyante na wala sa unang araw, kaya babala.
2. Huwag susugod sa giyera ng walang dalang armas. Huwag na huwag kakalimutan ang pinakaimportanteng gamit ng isang college student: ang Ballpen. Kung nung highschool ay puno ang bag mo ng 9 na notebooks, pencil case, crayons, pantasa, gunting, libro. Sa college, Ballpen at binder lang ang tanging kelangan mo. Ay, isa pa pala wag na wag kang magpapawala ng yellow pad. Dahil kung problema sa highschool days ang papel, ganito rin sa college. Para mabawasan ang mga buraot sa mundo, simulan mo na ng pagkukusa, Magdala ka. tatlo dos lang ang yellowpad sa tindahan nila Aling Idad.
3. Mag take-down notes. Para diyaan ang ballpen at binder na dala mo. Wag gawing palamuti sa bag. Gamitin. Wag tumunganga sa prof, isulat habang nakikinig. Wag mong gayahin yung mga naggagaling galingan na nakaprente lang sa prof dahil sila rin ang mga taong nagkukumahog manghiram ng notes kapag may nagaganap na pop quiz.
4. Maghanap ng tambayan/aralan. Hindi naman maghapon ay nasa loob ka ng classrooms. May break din, kaya kung malapit ang bahay o may dorm na tinutuluyan, doon nalang tumuloy para iwas gastos. Kung malayo ay maghanap ng mura at komportableng lugar na matatambayan, pwedeng doon ka na rin mag-review kung gusto mo.
5. Unahin ang mga subject na nahihirapan ka. Kung nahihirapan ka man sa isang subject (o dalawa o tatlo) Yun ang unang pagtuunan ng pansin, at pag-aralan. Siguraduhing, fresh at nasa huwisyo ang utak pag pag-aaralan para hindi sayang ang oras at effort mo dahil kung nagrerebyu ka ng wala sa mood ay walang papasok sa utak mo. Kung nahihirapan ka talaga, maghanap ka ng taong marunong sa subject na yun at magpaturo.
6. Maki-mingle, single man o hindi. Makipagkilala sa ibang tao. Pwera nalang kung loner ka at mas gusto mong mag-isa, pero kung hindi, makipag socialize ka. Maghanap ng kaibigan na totoo at laging maasahan. Yung nandyan kahit anong panahon. Wag yung parasite na magaling lang sayo pag mabango ka. Wag kakaibiganin ang mga alam mo namang wala kang mapapala, kung gusto mong makatapos ng pag-aaral. Pumili ng tamang kaibigan.
7. Be yourself. Oo, ang gasgas na linyang be yourself. Be yourself, unless you’re a loser be someone else. Dejoke. Wala kang mapapala kung magpapanggap kang bilang ibang tao. Maaring magustuhan ka nila pero hindi bilang ikaw kungdi ang pinagpapanggap mo. Mas magandang magustuhan ka ng mga tao bilang sarili mo at di sa ini-impersonate mong tao.
8. “Maging estudyante ng iyong paaralan” Gamitin mo naman ang resources sa school na iyong pinapasukan. Bisitahin paminsan-minsan ang library, computer labs etc. Kausapin ang mga prof na nakikita mo outside campus, wag lang sisipsip. Wag yung pumapasok ka lang sa school at sa classroom lang ang alam mo. Parang bansa lang din yan na tinitirhan mo. Mahalin ang eskwelahan.
9. Magbigay ng oras para sa pag-aaral. Para maiwasan ang cramming tuwing exams, maglaan ng oras para sa pag-aaral. Yung mga panahong wala ka namang ginagawang produtikbo ay magbasa basa ng notes. Mas maganda ang may schedule, kung hindi every weekends okaya naman tuwing gabi bago ka matulog. Iwasan ang caffeinated drinks e.g kape, softdrinks, energy drink bago o pagkatapos mag-aral.
10. Maglaaan ng oras para sa sarili. Hindi rin namang magandang puro aral aral na lang. Baka masiraan ka ng bait kapag ganun. Magkaroon din ng oras para sa recreation. Wag lang din yung sobra. Maglibang paminsan-minsan pero siguraduhing tapos na ang lahat ng gawain para maiwasan ang paghahabol.
Eros S. Atalia 1
“‘Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot? Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang itatanong. Kungsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.”
— | Eros S. Atalia, Ligo na u, Lapit na me |
Saturday, 16 June 2012
Thursday, 14 June 2012
Past Time.
Wednesday, 13 June 2012
Simpleng Tanong Pero Napakahirap Sagutin
may mga tanong na nakapahirap hanapan ng sagot. may mga sagot naman na mahirap bigyan ng tanong. gaya ng pag naglakwatsa ka, tatanungin ka ng ina mo kung saan ka galing? pwede namang sagutin mo diretso na "NAGLAKWATSA" pero mahirap sabihin ng deretsahan diba. pano naman kung tanungin ka ng titser mo kung nag-aral ka ba para sa resitasyon mo, pede rin namang sumagot ka ng wala, pero di mo rin masabi ang totoo.
sentido kumon lang naman ang kailangan sa ibang tanong sa mundo. pero ang mali kasi sa ating lahat, minsan na-iiwan natin ang utak natin sa bahay o di kaya nawawalan ng turnilyo ng ibang pesa sa utak.
ang tanong? saan ba ang mas TANGA ang magtanong ng tanong na walang kasiguruhan ang sagot o hindi makasagot sa walang kwentang tanong. pareho diba!? hahai.. dito umaandar ang pagiging bobo ng pinoy. kahit alam na natin na hindi ang sagot umo-oo tayo. kahit alam na natin na oo ang sagot umi-hindi tayo. AYY! ang gulo.
ito ang iba sa mga madadaling tanong na may mahirap na sagot:
- pwede bang kumain ng dinner sa LUNCH baks mo?
- bakit blakbord ang tawag sa berdeng pisara?
- pwede kayang umihi dyan kung bawal umihi dito!?
- kung may LANDLINE at AIRLINE… may SEALINE ba?
- hotdog parin kaya ang tawag dito kung ilalagay na sa ref?
- kung may entrance fee bakit walang exit fee?
- ano kaya ang mangyari kung pinag-away ang COCK at PUSSY?
- ka-ano-ano kaya ni DORA the explorer si INTERNET explorer? long lost brother?
- ano ang number ng 911?
walang kwenta diba!? pero aminin mo kahit papano mahirap sagutin ang mga simpleng tanong. ngayon tanong ko sa inyo. kung tatanungin ka ng magulang mo? anong klaseng kang bata ka, SAAN KA BA NAGMANA!? masasagot mo kaya nanay mo ng "SAYO!?"
POSIBLE pero MAHIRAP.
credits to: Rakker Loko
Thursday, 7 June 2012
Message From God.
Love is either unconditional or it's no love. You might like someone conditional on their personality or behavior or circumstances. But love accepts no boundaries. So never say 'I love you because', for love has no cause, love comes from God.
Wednesday, 6 June 2012
It's You
YES YOU!
You are the one who makes me smile everyday.
You are the one who makes my heart beats faster like a drum.
You are the one who gives me reason to wake up every morning.
You are the reason why I laughed .
You are the reason why I am eager to get what I want.
You are the reason why I still keep fighting here in this world though Im so tired.
You keep me strong.
You make my world so wonderful.
You enlighten my dark world.
You are my angel who always guide me.
You are my prince that will saved me in my fairytale.
You are my Love that I will love FOREVER AND ETERNITY.
You are my EVERYTHING here in this world.
And I want to say this to you ..
That I REALLY LOVE YOU.
Adik
Bakit ang tao parang ADIK?
Pag madali ang buhay, nabobored.
Pag mahirap ang buhay, nagsusuicide.
Pag mataba, nag papapayat.
Pag payat, nag papataba.
Pag andiyan, hindi pinapansin.
Pag wala, hinahanap.
Pag wala pa, hinihintay.
Pag andiyan na, tinataboy.
Pag mainit, gusto malamig.
Pag malamig, gusto mainit.
Pag mamamatay, gusto mabuhay.
Pag buhay, nag papakamatay.
Mahal ka, hindi mo mahal.
Mahal mo, hindi ka mahal.
Pag andiyan pa, ayaw pakita ang nararamdaman.
Pag wala na, saka gusto ipadama.
Ikaw ba? Adik ka rin ba?
May Ganito Pa Ba ?
Naranasan mo na bang magmahal ng taong mahal ka din?
Yung alam mong may isang taong nagmamahal sayo.
Yung alam mong kaya kang ipaglaban pagdating ng araw.
Yung alam mong kahit hindi kayo magkasama e ikaw parin.
Yung nagagalit kapag hindi ka kumakain.
Yung mag-aalala kapag may sakit ka.
Yung sasabihin na mag-iingat ka palagi.
Yung laging maggu-goodnight at goodmorning sayo.
Yung aalagaan ka.
Yung magsosorry kapag may nagawang mali.
Yung sasabihan ka palagi ng Iloveyou hindi dahil sa sanay na siya kundi talagang he mean it.
Yung kahit magkahiwalay kayo ng mahabang panahon, hindi ka niya ipagpapalit.
Yung gagawin lahat magkaroon lang kayo ng communication araw araw.
Yung hihintayin ka niya.
Yung susuportahan ka sa anu man.
Yung nagagalit kapag nababastos ka.
Yung gusto palagi siyang kasama sa lakad mo para alam niyang safe ka.
Yung nagtatampo kapag dry ka o may kausap/kachat/katext na iba.
Yung nagseselos.
Yung proud sayo.
Yung pinagmamalaki ka sa mga kaibigan niya.
Yung ipinapakilala ka sa magulang niya.
Yung gustong ipagamit sayo surname niya.
Yung gustong nagpaplano para sa kinabuksan niyo.
Yung gustong pinag-uusapan yung future niyo. Kung magkakapamilya kayo.
Yung sinasabi ano mga ginagawa niya.
Yung susuyuin ka palagi.
Yung hindi ka pababayaan.
Yung selfish siya pero in a good way.
At higit sa lahat, yung may takot sa Diyos. Alam yung tama at mali.
Good Times.
Tuesday, 5 June 2012
Sunday, 3 June 2012
Pasukan Again.
KASABIHAN: "Bawal i-fit ang gown before the Wedding day, baka hindi matuloy." PANGARAP: "Try mo sa uniform, baka hindi matuloy ang Klase."
Natatawa ako kapag nababasa ko itong kowt na to.
Hay, pasukan na naman.
Laki ng pinagbago simula nang mag start ako pumasok sa kolehiyo.
Dati sa university ako pumapasok.
Ngayon sa isang training school ng Tesda.
6 months graduate ka na.
Parang nakakainggit kasi yung iba 4 year course ang kinukuha, tapos ang maipagmamayabang mo pa kasi may degree ka na pinanghahawakan. Yung tipong maipagmamayabang mo talaga.
Bahala na si Lord sa akin. Basta ngayon pagbubutihin ko muna ang pag aaral para makahanap ng marangal na trabaho. Guide me Lord .. :)
Natatawa ako kapag nababasa ko itong kowt na to.
Hay, pasukan na naman.
Laki ng pinagbago simula nang mag start ako pumasok sa kolehiyo.
Dati sa university ako pumapasok.
Ngayon sa isang training school ng Tesda.
6 months graduate ka na.
Parang nakakainggit kasi yung iba 4 year course ang kinukuha, tapos ang maipagmamayabang mo pa kasi may degree ka na pinanghahawakan. Yung tipong maipagmamayabang mo talaga.
Bahala na si Lord sa akin. Basta ngayon pagbubutihin ko muna ang pag aaral para makahanap ng marangal na trabaho. Guide me Lord .. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)